buhay sa cubao at sa pilipinas

Home » Tags

Naalala mo ba?

August 21, 2006

Matagal ko nang hindi binuksan itong blog na ito. Marami na palang bago
dito. Mas madali na
ang pag bago ng mga bagay-bagay at mas marami na rin mga puedeng
gawin. Sige na nga tingnan kung ano ang magawa dito.

Noong sinimulan ko itong blog na ito plano ko sanang mag lagay ng Tagalog
blog. Mukhang balik ulit sa dati.

Ngayon ay 21 ng Agosto. Walang pasak sa buong Pilipinas. Ngayong araw nito
na paslang si dating Senador Ninoy Aquino sa tarmac ng Airport. Dahil sa
pagkamatay ni Ninoy nagsimula ang pagbagsak ni Macoy mula sa poder. Kung
buhay na kayo noong panahon na ito naala niyo ba kung nasaan kayo?

Ako natatandaan ko. Grade 9 pa ako noon nasa Laguna kami at gumagawa ng
aming proyekto ukol sa mga wood carvers ng Paete, Laguna. Ang biyahe pa
namin noon mula Quezon City, Rizal at Laguna. Ito yung daan papuntang Laguna
na dumadaan sa Sierra Madre. Maganda at hindi gaanong masikip ang daan. Doon
lang sa may Rizal masikip.

Pagdating namin ng Paete ay umikot-ikot kami sa mga tindahan. Sa hulihan
bumili na lang kami ng isang souvenir program tungkol sa Paete at ang
kanyang mga manlilikha. Wais yung kasama namin. Nandoon na pala lahat na
kailangan namin sa report. Umuwi na kami noong hapon.

Malakas ang ulan noon. Tulad ngayon araw na
ito. Yung lumang Ford Fiera pa yung ginamit namin panglakbay kaya basa
kami sa ulan.

Noong pauwi namin nalaman na pinatay na si Senador Aquino. Wala tahimik lang
kami noong umuwi.

Posted by juned at 2:00 pm | permalink | View this entry